19

Jul 13, 2021 @ 21:25
By

Mga bakunado sa Zambales 2 linggo libre bigas

Dalawang linggong makakatanggap ng libreng bigas mula sa local government ang mga residente sa bayan ng Botolan, Zambales na kumpleto na ang bakuna laban sa coronavirus.

Parte ito ng rice subsidy project ng municipal government na tulong sa kanilang mga residente sa gitna ng community quarantine.

Ang pagbibigay ng libreng bigas para sa mga fully vaccinated ay paraan ng local government upang maakit ang mga residente na magpabakuna na laban sa COVID-19.

Kailangan lang magpakita ang mga bakunadong residente ng kanilang vaccination card na pruwebang naturukan na sila ng pangalawang dose.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?