825

Dec 22, 2019 @ 14:20

Mga ‘bakla’ sa UST napalabas ni Sarah G

Hindi man magkakilala ay sabay na umindak ang dalawang teenager nang tumugtog ang kantang “Tala” ni Sarah Geronimo.

‘Di aniya napigilang mapasayaw ni Uan Cornelio sa “Tala,” kaya nagpasalamat siya kay Igig Lim na game na game na sumayaw ng choreography ng kanta kasama niya, habang nagsisidaanan sa kanilang tabi ang mga tao sa Paskuhan 2019 sa University of Santo Tomas.


“Sumabay lang po yung guy na kasayaw ko. hindi kami magkakilala haha proof yon na nagkakaisa ang mga kabaklaan kapag tumutugtog ang tala haha. let’s go thomasians!” kwento ni Uan Cornelio sa Twitter kahapon, Disyembre 21.

Marami ang humanga sa dalawa, maging ang dance group na “G Force” na kasama ni Sarah sa music video ng “Tala.”


Hindi lang sina Uan at Igig ang napasabay nang marinig ang Tala, kundi pati karamihan ng mga tao sa Paskuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?