49

Dec 19, 2017 @ 16:34
By

Mga bakasyunista, nagsimula nang dumagsa sa mga pier

Anim na araw bago ang Pasko, patuloy sa pagdagsa ang mga pasahero sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), umaabot na sa kabuuang 74,622 ang bilang ng mga outbound passenger.

Ang bulto sa mga pasahero ay dumagsa sa Western Visayas na may 15,968; Central Visayas na may 11,274 at Southern Tagalog na may 10,456.

Sa Bicol, naitala naman sa 5,969 ang mga pasahero; sa Northern Mindanao ay 5,716; South Eastern Mindanao ay 6,710 at Southern Visayas ay 5,115.

Marami rin ang mga dumagsa sa Eastern Visayas na may 4,673; Palawan, 4,424; Southwestern Mindanao, 1,872; National Capital Region Central Luzon, 1,669; Northwestern Luzon, 678; Northeastern Luzon, 338; at Northeastern Luzon, 98.

Nauna nang inilunsad ng PCG ang Oplan Biyaheng Ayos nitong Disyembre 18, 2017 na tatagal hanggang Enero 8, 2018 para matiyak ang seguridad ng mga bibiyahe ngayong holiday season. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?