26

Dec 21, 2017 @ 13:38
By

Mga bakasyunista dagsa na sa mga pier – Coast Guard

Apat na araw bago ang Pasko, patuloy na sa pagdagsa ang mga bakasyunista sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot sa kabuuang 54,447 ang bilang ng mga outbound passenger sa labing-isang rehiyon.

Ang bulto ng mga pasahero ay dumagsa sa mga pier sa Central Visayas na may 11,057; Southern Tagalog, 10,677; at Western Visayasm 7,158.

Marami rin ang mga dumating na outbound passenger sa Bicol na may 6,784; Northern Mindanao, 6,776; Southwestern Mindanao, 5,513; Southern Visayas, 2,924; Eastern Visayas, 1,890 at South Eastern Mindanao, 1,318.

Sa Palawan ay mayroon namang 288 na naitalang pasahero at sa National Capital Region-Central Luzon ay 62.

Nauna nang inilunsad ng PCG ang Oplan Biyaheng Ayos nitong December 18, 2017 na tatagal hanggang January 8, 2018 para matiyak ang seguridad ng mga bibiyahe ngayong holiday season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?