17

Jan 28, 2021 @ 20:29
By

Mga bagong tren ng PNR matibay sa baha

Inilunsad na ng Philippine National Railways (PNR) ang mga bago nitong flood-proof train na gawa sa Indonesia matapos ang test run nitong Huwebes.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang bagong 15 passenger coaches ay mas naging moderno at mayroon nang tinatawag na diesel hydraulic locomotive o DHL.

Hindi tulad ng mga diesel electric locomotive, ang mga tren na may DHL ay gagana pa rin kahit nalubog sa mahigit isang talampakang taas na baha.

Dahil dito, ani DOTr Secretary Arthur Tugade, hindi na kailangan pang magsuspinde ng operasyon ang PNR kapag may baha.

Kaya ng mga bagong PNR train na magsakay ng 1,250 pasahero pero dahil sa COVID-19 ay limitado muna ang maisasakay nito sa 700 pasahero.

Tatakbo ang mga bagong train set mula Tutuban Station sa Maynila hanggang Los Baños sa Laguna.

PNR’s NEW TRAINS FROM INDONESIA START OPERATIONS ON METRO LINE

Train commuters can now experience smoother and more…

Posted by Department of Transportation – Philippines on Wednesday, January 27, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?