122

Dec 16, 2019 @ 12:42

Mga bagong PNR train pinangalandakan ni Biazon

Isang “historic day” ngayon, ayon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, dahil kinasa na ang “inaugural run” ng mga bagong diesel multiple unit (DMU) train ng Philippine National Railways (PNR).

Sunud-sunod na selfie ang pinakita ng mambabatas sa Twitter, habang sakay siya ng isa sa dalawang set ng PNR DMU train na nakuha mula sa Indonesian firm PT. Industri Kereta Api (Persero) “PT INKA” sa halagang P485.31 milyon.

May larawan din si Biazon kasama ang tinawag niyang “ninong ng PNR” na si dating Senador JV Ejercito. Si Ejercito aniya ang tumulong sa pagpondo ng mga bagong tren.

Malabon at FTI ang ruta ng dalawang bagong tren na kaya umanong magsakay nang hanggang 250 pasahero kada biyahe.

Inaasahan naman nina Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagdami pa ng mga gumaganang tren sa Enero 2020, gayong parating na ang ikalawang batch (4 sets, 4 coaches) ng INKA DMU train,

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?