By

Mga bagong opisyal ng gobyerno, nanumpa na kay Duterte

Sharing is caring!

Nanumpa kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga bagong itinalagang opisyal sa iba’t ibang puwesto sa gobyerno.

Kabilang sa mga nanumpa ay ang talunang senatoriable na si Sandra Cam bilang member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Kasama ring nanumpa si Bong Suntay, ang Presidente ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA), bilang miyembro rin ng PCSO Board of Directors.

Agad namang itinanggi ni Cam na “political accomodation” ang puwestong ibinigay sa kanya ni Pangulong Duterte.

“I dont think so. The President has given me the trust, I’ve been working so hard to help the less fortunate and for the OFWs. This is not a political position, at makikita po ninyo, give me at least three months, I will prove to those detractors that they are wrong,” ang pahayag ni Cam.

Bukod kina Cam at Suntay ay nanumpa na rin si dating Presidential Spokesman Ernesto Abella bilang bagong Undersecretary for Strategic Communications ng Department of Foreign Affairs.

Kasama ring nanumpa sa mass oath-taking si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary for New Media Lorraine Badoy.

Isa pang nanumpa sa Pangulo ay si dating Solicitor General Agnes Devanadera bilang bagong chairman ng Energy Regulatory Commission (ERC). (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?