139

Dec 15, 2017 @ 17:22
By

Mga bagong nurse, magtrabaho muna sa Pinas

Umapela si Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy sa mga nurse na kapapasa lang sa licensure examinations na magsilbi muna sa kanilang mga komunidad bago maghanap ng oportunidad sa ibang bansa.

Ayon kay Herrera-Dy, hindi lang sa mga ospital kailangan ang mga nurse kundi maging sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mga lungsod, munisipalidad at mga lalawigan para sa kanilang disaster response units.

Maging sa military at pulisya ay kailangan anya ng mga nurse para sa mga nasusugatang tauhan, gayundin sa mga paaralan.

Ginawa ng kongresista ang apela kasunod ng anunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nangangailangan ng 350 Filipino nurses sa Germany.

Nagpaalala rin ito na maging maingat para hindi mabiktima ng mga illegal recruiter.

“ I take this opportunity to remind the nurses to exercise care, caution, and common sense good judgment when evaluating overseas employment options and offers. Always verify and confirm the claims of the recruiters you meet,” sabi ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?