16
views
new-coin-bsp
By

Mga bagong barya, tanggap na sa ticket machines ng LRT, MRT

Sharing is caring!

Tinatanggap na ang mga bagong sirkulasyon ng mga barya o kung tawagin ay New Generation Currency (NGC) coins na inilimbag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga ticket vending machine (TVMs) sa Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2 at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa railways sector ng Department of Transportation (DOTr), ang sirkulasyon ng mga bagong disenyo ng P1, P5, at P10 na mga barya ay kinikilala na ng TVMs sa tatlong railway transit systems.

Ito’y matapos ang isinagawang recalibration process ng AF Payments, Inc., ang kumpanya na nagpakilala at bumuo ng manself-service TVMs.

Inabot din ng tatlong buwan ang proseso ng recalibration ng TVMs kabilang na ang delivery ng mga bagong barya sa Manchester, United Kingdom para isailalim sa firmware development. Sinundan naman ito ng serye ng software testing.

Kahapon inumpisahan ang pagtanggap sa mga bagong barya sa mga makina ng LRT Lines 1 at 2 at MRT-3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?