3,907
Trillanes3_AbanteTNT
By

Mga bagong abugado ni Trillanes, bigatin!

Sharing is caring!

Nagboluntaryo ang mga batikang abogado na magtanggol kay Senador Antonio Trillanes IV na ipinakukulong ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos bawian ng amnestiya.

Ang mga ito ay sina dating Solicitor General Florin Hilbay, dating University of the Philippines College of Law Dean Pacifico Agabin, Law Professor Joselito Chan, at si Atty. Reynaldo Robles, ang matagal nang legal counsel ni Trillanes.

Ayon kay Trillanes, kusang lumapit sina Hilbay, Agabin at Chan para ikatawan siya sa Korte Suprema kung saan ipinababasura niya ang Proclamation 572 ni Pangulong Duterte na bumawi sa amnestiya na ibinigay sa kaniya ng Aquino administration noong 2011.

Sila rin ang kakatawan kay Trillanes sa dalawang korte sa Makati City kung saan nagpetisyon ang Department of Justice na isyuhan siya ng warrant of arrest at hold departure order kasunod ng pagbawi sa amnestiya.

Ayon kay Trillanes, ipaglalaban ng mga batikang abogado ang rule of law.

Naniniwala raw ang mga ito na kapag hindi naituwid ang ilegal na pagbawi sa kaniyang amnestiya, manganganib na ang demokrasya.

Tiwala naman daw si Trillanes na itutuwid ng mga korte ang pagkakamali at pag abuso ng Malacañang.

“I put my trust in our courts that they will correct this executive overreach and adhere to the rule of law despite Duterte’s twisting of laws just to achieve his aim of silencing his critics,” sabi ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?