18

Oct 12, 2021 @ 15:30
By

Mga bagets mauulanan ng Pfizer vaccine – NTF

Kabilang sa maaambunan ng dumating na mahigit 900,000 Pfizer-BioNTech vaccine sa bansa ang mga bagets na may edad 12 hanggang 17.

“Pfizer is one of the vaccines that will be used for the inoculation of our adolescents aged 12 to 17. Pfizer has already an EUA, which is intended for adolescents,” wika ni National Task Force Against COVID-19 Assistant Secretary Wilben Mayor sa isang pahayag.

Nito lamang Lunes ng hapon dumating ang 924,300 dose ng Pfizer vaccine sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

“This completes the 1.8 million, which is part of the 10 million donations of the US Government. On behalf of Secretary Galvez and the Philippine Government, we’d like to thank the US government for donating us these vaccines,” sambit ni Mayor.

Ani Galvez, magsisimulang umarangkada ng vaccintion para sa mga bagets sa Oktubre 15 sa piling walong ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?