22

Mar 5, 2021 @ 19:52
By

Mga babae may libreng sakay sa LRT-2

Bilang treat sa pagdiriwang sa International Women’s Day, may libreng sakay ang Light Rail Transit 2 (LRT-2) para sa kababaihan sa Lunes, Marso 8.

Sa Facebook post, inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na libre sa pasahe sa LRT-2 ang mga babaeng pasahero mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

“JUANA FREE RIDE? G! In celebration of International Women’s Day, LRT-2 offers FREE RIDE for women passengers boarding the LRT-2 trains on Monday, March 8, 2021, during the peak hours indicated below. Wishing our passengers a fine and meaningful #InternationalWomensDay!” saad sa post ng LRTA ngayong Biyernes.

JUANA FREE RIDE? G!

In celebration of International Women’s Day, LRT-2 offers FREE RIDE for women passengers boarding…

Posted by Light Rail Transit Authority – LRT2 on Thursday, March 4, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?