104

Mar 5, 2020 @ 22:30
By

Mga babae makapangyarihan, malakas – VP Leni

Nagkaisa ang SPARK! Philippines, UN Women Philippines at ang iba pang mga organisasyon sa Pilipinas para isagawa ang #Women2020: Women in the Next Decade bilang selebrasyon para sa International Women’s Month.

Nagtipon-tipon ang mga babae mula pa sa iba-ibang probinsya sa Pilipinas at ang iba naman ay galing pa sa ibang bansa.

Isa sa mga nakilahok ay si Miss International 2016 Kylie Versoza kung saan ibinida nito ang journey niya sa pageant life niya.

Bukod doon ay nagbigay payo rin ang beauty queen at ipinakilala ang kanyang sariling organisasyon na Mental Health Matters PH.

Nagbigay mensahe rin ang former senatorial candidate na si Samira Gutoc.

Inihalintulad ni Gutoc ang ‘malong’ bilang tahanan ng mga tao, hindi evacuation at pag-alis ang sagot sa rebuilding isyu ng Marawi. Ibinida rin nito ang ‘weaving’ kaysa ‘war’.

Isa rin sa dumalo sa summit ay ang bise presidente ng bansa. Kamakailan lang ay namayapa na ang ina ni VP Leni Robredo kaya naman naging emosyonal ang alkalde sa pagkwento tungkol dito.

“Be the bridge betwen ideals and tangible ideas. Empower one woman and she herself will raise others with her,” ani VP Robredo.

Hinggil doon ay ibinahagi ni Robredo na ang kanyang ina ang naging inspirasyon niya sa lahat ng kakayanan at meron siya ngayon kaya naman naniniwala si Robredo na ang mga babae ay makapangyarihan, matatag at malakas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?