22

By

Mga ayaw ipabasa sa Facebook Messenger, posibleng bawiin

Sharing is caring!

Pinagtripan ba kayo ng inyong tropa at biglang nag-PM kay crush? ‘Wag mag-alala, sagot kayo ng Facebook.

Sa bagong app update ng Messenger, maaari niyo nang burahin ang mga mensaheng napadala na.

Ngunit kailangang maging mabilis, dahil 10 minutes lang ang palugit para mabura ang mga mensaheng ayaw ipabasa.

“If you accidentally sent the wrong photo, incorrect information or message the wrong thread, you can easily correct it by removing the message within 10 minutes of sending it,” saad ng social media giant na Facebook.

Sa ngayon maaaring makapagbura ng mensahe ngunit para lamang sa nagpadala, at makikita pa rin ng pinadalhan.

Hindi pa naman sinasabi ng social media app kung kailan magagamit ng publiko ang bagong feature.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?