245
Mga Australian pilot tinamaan ng lasers sa South China Sea
May 28, 2019 @ 20:36
By

Mga Australian pilot tinamaan ng lasers sa South China Sea

Isang saksi ang nagsabing tinamaan ng lasers ang mga Australian navy helicopter pilot habang nagsasanay sa South China Sea.

Ayon kay Scholar Euan Graham, na sakay ng Royal Australian Navy flagship HMAS Canberra, na nakatutok umano ang lasers sa dumadaang fishing vessels habang nasa likod nila ang isang Chinese warship.

Duda tuloy si Graham na isa itong harassment ng maritime militia ng China.

“Was this startled fishermen reacting to the unexpected? Or was it the sort of coordinated harassment more suggestive of China’s maritime militia? It’s hard to say for sure, but similar incidents have occurred in the western Pacific,” ani Euan Graham sa website na The Strategist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?