202

Mga atletang Filipino nagdadalamhati sa pagpanaw ni Olympian ‘Yanyan’ Lariba

Dama ng buong sports community ng Pilipinas ang pagkawala ng table tennis prodigy na si Ian Lariba dahil sa leukemia.

Sa edad na 23-anyos, siya ang pinakaunang naging pambato ng bansa sa table tennis noong 2016 Olympics at naging flag bearer pa sa nasabing okasyon.

Mayo noong nakaraang taon, 2017, na-diagnose si Yanyan ng Acute Myeloid Leukemia.

Nitong Setyembre 2, 2018, tuluyan nang sumakabilang buhay si Lariba dahil rin sa nasabing sakit.

Ilang mga kasamahan sa sports ang nagpaabot ng mensahe sa itinuturing na pinakamahusay na table tennis player ng bansa. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?