74

Sep 27, 2018 @ 18:05
By

Mga atleta nagluluksa sa pagpanaw ni Manlapaz

Hindi maitago ng dati at kasalukuyang mga manlalaro ng collegiate basketaball ang pagkalungkot matapos mapabalitang namayapa na ang kilalang barker ng UAAP at NCAA na si Rolly Manlapaz.

Sinabi ni dating Blue Eagle Juami Tiongson na mag-iiba na ang UAAP sa pagpanaw ni Manlapaz.

“RIP sir Rolly Manlapaz! UAAP will never be the same,” tweet ni Tiongson.

Sinegundahan naman ito nina Tyler Tio ng Ateneo at ni Shaun Ildefonso ng NU.

Isang maiksing ‘Rest in Peace’ naman ang ibinigay nina Jayvee Sumagaysay, Manuel Media, Hubert Cani at Issa Gaye.

Pumanaw si Manlapaz kaninang alas-1:10 ng hapon sa edad na 58.

Siya ang nagpasimula ng mga monicker katulad ng ‘The Beast’ ni Calvin Abueva, ‘The Fly’ ni dating Bulldog Joseph Lingao-Lingao at ‘The Umbrella Man’ ni Jerome Tungcul.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?