6

Jan 12, 2021 @ 21:28
By

Mga atleta mababakunahan sa May, June – CDM Fernandez

Inaasahan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, na mababakunahan sa May-June ang mga national athlete upang makabalik sa regular training para sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa November 21-December 2 sa Hanoi, Vietnam.

Kinomento ng 67-year-old, 6-foot-4 at Maasin City native ang ang bagay pagkatalaga sa kanya Martes ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino bilang chef-de-mission ng bansa para sa biennial sportsfest na tinaguyod ng ‘Pinas ang huling edisyon nitong 2019.

“We will plan things out. I hope that by May or June, our athletes will be vaccinated so they can resume their regular training,’’ reaksiyon ni Fernandez, na tutulungan ng dalawang deputy CDM mula sa national sports associations (NSAs).

Nag-overall champion ang Pinoy athletes sa 2019 SEA Games, pero dahil sa apektado ng Covid-19 ang mga ito sapul noong Marso 2020, target ni Tolentino ang top three finish ngayong taon.(Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?