49

Mar 6, 2020 @ 19:26
By

Mga aso nakiprotesta para sa ABS-CBN

Nagprotestang muli ang BMP, National Union Journalist of the Philippines, McLisseians supporters at iba pang mga journalist at organisasyon sa harap ng ABS-CBN para ipaglaban ang press freedom.

Ngayong Biyernes, Marso 6, ang ika-sampung beses ng kanilang protesta bago dumating ang Marso 10 kung saan malalaman na ang pinal na desisyon hinggil sa shutdown ng estasyon.

Ngunit ngayong Biyernes ay kakaiba dahil kabilang sa mga sumali sa protesta ay ang Unified Pet Club of the Philippines (UPCOP) kung saan ang mga miyembro ay dinala ang kani-kanilang aso na nakasuot pa ng damit na may kulay pula, asul at berde.

“Ang ABS-CBN ay nagbibigay balita tungkol sa Animal Cruelty, kung sino ang dapat sisihin at ang mga aso na kailangan pa ng tulong,” ani Jerwin, isang miyembro ng UPCOP.

Ayon sa organisasyon, ang UPCOP ay dumalo sa protesta para maipakita ang suporta sa estasyon na nagbigay kaalaman sa kanila tungkol sa bahay ng mga aso.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring nagaganap ang protesta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?