4

Oct 4, 2020 @ 14:03
By

Mga aso binasbasan sa Rizal

Sa loob ng kani-kanilang kotse, binendisyunan ang mga tao at alaga nilang hayop isang araw bago ang World Animal Day.

Napaulat na binasbasan ni Rev. Fr. Mario Operario ang higit 150 fur baby sa drive-thru ng SM City Taytay sa Rizal kahapon, Oktubre 3.

Ito ang unang drive-thru pet blessing activity ng nasabing mall, ginawa bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

Tuwing Oktubre 4, pinagdiriwang ang World Animal Day at ang Feast of Saint Francis of Assisi, na siyang patron saint ng mga hayop at ng kapaligiran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?