8

By

Mga ASEAN leader hinikayat ni Duterte sa pag-ayuda sa Rohingya crisis

Sharing is caring!

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapwa lider na dumadalo sa 33rd Association of South East Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore na suportahan at tulungan ang mga mamamayaang naapektuhan ng Rohingya crisis sa Myanmar.

Sa kanyang pagsasalita sa working dinner sa ASEAN, hinikayat ng Pangulo ang mga dumadalong lider na magtulungan para tukuyin ang pinagmulan ng karahasan sa Western Myanmar.

Tiniyak ng Pangulo ang kaniyang buong suporta sa mga hakbangin ng ASEAN sa pagbibigay ng humanitarian assistance para sa mga apektadong komunidad ng Rakhine state.

Hiniling ng Pangulo ang mga kapwa lider sa ASEAN na lumikha ng isang kaaya-ayang komunidad para sa mga naapektuhan ng gulo at tulungang makabangon at makapagsimula ng bagong buhay ang mga Rohingya refugee.

“We support ASEAN’s role in providing humanitarian assistance to all affected communities in the Rakhine State. We must together address the root causes and create a conducive environment for affected communities to rebuild their lives,” anang Pangulo.

Ang krisis sa Rohingya ang itinuturing na pinakamalalang humanitarian crisis sa East Asia.

Tinatayang nasa 720,000 Rohingya refugee ang nagpilit na makarating ng Bangladesh at ngayoy nasa Cox’s Bazaar na itinuturing na pinakamalaking refuge settlement sa buong mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?