209

By

Mga artista susugod sa Malaysia para kay Pacquiao

Sharing is caring!

All roads leads to Kuala Lumpur, Malaysia this week dahil sa laban ni Manny Pacquiao bukas nang umaga, Linggo. Nandun na si Manny sa Kuala Lumpur at naganap ang presscon nila last Thursday morning sa Hilton Hotel.

Sa nasabing presscon ay napuno ng maraming Pinoy na nagchi-cheer kay Manny. Inaasahan na namin na lulusob doon ang maraming Pinoy since malapit lang at hindi na kailangan ng visa gaya sa Las Vegas na madalas venue ng fight ng Pambansang Kamao.

Marami kaming mga artistang kilala na susugod sa Malaysia para saksihan ang laban ni Pacman kay Matthysse.

May nagsasama sa amin doon pero nag-beg off kami at hindi na namin kaya ang pagod na madalas namin maranasan noon sa Las Vegas at Dallas sa Texas.

Let’s hope na maging matagumpay ang laban at tayong mga Pinoy ang muling bumandera sa mga balita sa buong mundo. Pray for Manny Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?