148
ABANTE-TNT-armas-marawi
Dec 13, 2017 @ 10:10
By

Mga armas na nasabat sa Marawi, wawasakin ng Army

Sisirain o gagawin ang demilitarization sa 652 mga armas na nakuha ng tropa ng pamahalaan sa lungsod ng Marawi ngayong araw sa Army Headquarters sa Taguig.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lt. Col. Ray Tiongson, gamit ang road roller vehicle ay sisirain ang daang-daang armas.

Aniya, ang mga armas na sisirain ay kinabibilangan ng heavy at light armalited, rocket propelled grenade, at sniper rifle na sumailalim sa process of disposal.

“May procedure pa ‘yan for disposal, meron kasing mga direct policies or directives ‘yung Armed Forces kung paano siya i-dispose, so bukas is ceremonial demilitarization ang gagawin,” sabi ni Tiongson.

Hindi naman nagdesisyon ang AFP na ibigay sa CAFGU ang mga sisiraing armas dahil may inilaan na ang gobyernong ibibigay sa mga ito.

Pangungunahan naman mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang demilitarization ng mga armas. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?