56

Jan 11, 2020 @ 14:19
By

Mga armas, bala nahukay sa Surigao del Sur

Nadiskubre ang iba’t ibang kalibre ng baril at bala na matagal nang ibinaon ng New People’s Army sa Mt. Gacob, Sitio Magkahunaw, Barangay Buhisan, Surigao del Sur, Biyernes ng umaga.

Sa tulong ng dalawang dating rebelde, nahanap ang mga baril at bala na nakabaon sa lupa mula sa isinagawang joint police at military operation.

Kabilang sa nahukay ang dalawang kalibre .30 rifle, dalawang M1 Garand, isang rifle grenade at mga bala ng iba’t ibang kalibre ng baril.

Nasa kustodiya ngayon ng 9th Special Forces Company ang mga narekober na armas at bala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?