8

Mar 3, 2021 @ 18:42
By

Mga arcade balik operasyon sa Marso 5

Papayagan na magbukas ang mga video at interactive game arcade sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula sa Marso 5.

Ayon sa Department of Trade and Industry sa ulat sa telebisyon, hanggang 50 porsiyentong kapasidad lamang pinayagan ang mga arcade game sa mga GCQ area habang 75% sa mga lugar na nasa modified GCQ.

Kinakailangan pa ring magsuot ng face mask at face shield ang mga maglalaro.

Sabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, maaari namang limitahan muna ng mga LGU hanggang 25% ang kapasidad sa mga arcade area o ipagpaliban muna ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?