6

Oct 1, 2020 @ 22:55
By

Mga Arabyana puwede nang maglaro ng golf

Maaari nang mag-golf ang mga kababaihan sa Saudi Arabia sa unang pagkakataon kaugnay ng pagtataguyod ng kaharian ng dalawang bagong women’s golf event na may pinagsamang $1.5M (P72.7M) cash prizes.

Papalo ang $1M (P48M) Aramco Saudi Ladies International sa Nobyembre 12-15, habang nakatakda ang $.5M (P24M) Saudi Ladies Team International sa Nob. 17-19.

Parehong gaganapin sa Royal Greens Golf Club na nasa Red Sea coast malapit sa Jeddah ang mga kompetisyon na magiging parte na rin ng European Ladies Tour.

Pinangako naman ang organizers na susundin ang safe environment laban sa Covid-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?