21

Nov 20, 2021 @ 19:39
By

Mga apektado ng ASF mababayaran lahat ng DA

Makukumpleto na umano ng Department of Agriculture (DA) ang bayad sa mga local hog raiser na ang mga alagang baboy ay pinatay matapos mahawa ng African swine fever (ASF).

Ayon kay DA secretary William Dar, maglalabas pa ang pamahalaan ng P461 milyon upang mabayaran ang mga local hog raiser katumbas ng nasa 92,200 baboy na pinatay dahil nahawa ng ASF.

“We thank President Rodrigo Roa Duterte for recently approving our request for the additional P461 million that completes our ASF indemnification payments, amounting to P2.158 billion,” wika ni DAR.

Wika pa ng kalihim, simula nang kumalat ang ASF noong 2019 ay nagbibigay na sila ng P5,000 sa bawat baboy na kakatayin dahil nahawa ng sakit.

Dahil dito ay nasa 48,530 local hog raisers ang nakatanggap ng tulong-pinansyal para sa mga pinatay na baboy na sa kabuuan ay 379,420 ang bilang.

Bukod pa umano sa tulong-pinansyal ay inalalayan din ng ahensya ang mga hog raiser sa pamamagitan ng tulong-teknikal gaya ng mga programang “Bantay ASF sa Barangay” at Integrated National Swine Production Initiatives (INSPIRE).

“We will continue to provide farmers with needed technical and financial assistance, so they can start anew, as we strongly pursue efforts to contain, manage and control the ASF, and subsequently revive the country’s swine industry,” wika pa ni Dar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?