17

Jul 13, 2020 @ 21:05
By

Mga anti-COVID czar pinakilala ng Malacañang

Limang buwan makalipas makapagtala ng unang coronavirus case sa Pilipinas, pinakilala ng Malacañang ang mga anti-coronavirus czar na nangunguna sa COVID-19 pandemic response ng bansa.

“Kasama po natin for the first time sa isang press briefing ang tinaguriang Philippine Anti-COVID czars para sabihin sa atin paano natin lalabanan ang COVID-19 ngayong tumataas po ang bilang ng mga nagkakasakit,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pinakilala ni Roque si Public Works and Highways Secretary Mark Villar bilang “chief isolation czar”, na magiging in charge sa mga quarantine facility sa bansa.

Si Baguio City Mayor Benjamin Magalong naman ang magiging chief tracing czar habang chief treatment czar si Health Undersecretary Leopoldo Vega.

Mananatili namang chief testing czar si Bases and Conversions Development Authority chief Vince Dizon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?