127

Sep 8, 2019 @ 16:00
By

Mga ani ng magsasaka gawing kolateral sa utang – Kiko

Dapat umanong gamitin ng mga magsasaka ang kanilang ani bilang kolateral sa kanilang utang para mapanatili ang kanilang operasyon sa gitna ng pagbuhos ng mga imported na bigas dala ng Rice Tariffication law, ayon kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

“Naniniwala ang ating mga magpapalay na panibagong paghihirap ang dala nitong Rice Tariffication Law dahil dinelubyo sila ng imported rice na unti-unting pumapatay sa kanila at sa local rice industry,” pahayag ni Pangilinan.

“They need all the help they can get, such as subsidies and loans, so that they will keep on planting and harvesting and cultivating the country’s farm lands,” ayon sa dating presidential assistant sa food security at agricultural modernization.

Sa inihain niyang Senate Bill 632 o Warehouse Receipts Act of 2019, ang 1-7-taong gulang na Warehouse Receipt law ay ia-update para payagan ito.

Ang warehouse receipt, paliwanag ni Pangilin, ay isang commercial document na nagpapatunay sa sinuman na kanya ang produktong inilagak sa warehouse. Sakop ito ng Warehouse Receipt Law na ginawang batas noong 1912.

“The law, as it stands, does not allow farmers to use their crops as collaterals for taking a loan because banks are not able to verify the quantity and quality of crops by virtue of the existing warehouse receipts,” ani Pangilinan.

Malaki aniya ang maitutulong ng naturang panukala dahil sa epeto ng Rice Tariffication Law kung saan bumagsak ang presyo ng palay nang 17% kumpara sa presyo noong 2018.

Ginigiit ng Philippine Statistics Authority na binibili ng mga negosyante ang mga palay ng magsasaka nang P17.78 kada kilo habang sinabi naman ng Department of Agiculture na P14.10 ang presyo nito kada kilo sa ibang probinsiya.

Subalit binunyag ng mga magsasaka na ang talagang presyo ng palay ay bumagsak nang hanggang P7 kada kilo, partikular na sa Nueva Ecija at Aurora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?