By

Mga anak nina Toni, Bianca, Mariel papasok sa ‘Bahay Ni Kuya’

Sharing is caring!

Huwag daw tayong ma-surprise if soon ay magsama-sama uli sa pamosong bahay ni Kuya sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez, this time with their kids.

Bigla nga daw naisip yun ng mga magpapatakbo ng pagbubukas uli ng Pinoy Big Brother, lalo pa’t matagumpay na mga nanay na ang paboritong hosts ni Kuya.

Although tino-toy pa lang daw nila ang idea, marami na agad ang positibong nag-react at nagsabing makakadagdag flavor ito at saya sa ‘millennial hosting’ na ipapagawa o gagawin ng tatlong nanay.

Basta meron daw at magkakaroon ng sariling portion nila ang mga kids na kahit hindi pa man mga artistang matatawag ay namana nga sa mga mothers (at fathers) nila ang celebrity status para mapansin.

For sure, madaling mapapayag ang tatlong nanay lalo pa’t ‘apo’ na nga ni Kuyang matatawag ang mga anak nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?