243
Abante-TnT-diego-loyzaga
By

Mga anak nina Sunshine, Teresa kay Cesar super close, bongga ang bonding

Friendship goals na maituturing ang samahan ng mga ex-partner ni Cesar Montano, sina Sunshine Cruz at Teresa Loyzaga. Para nga silang sina Annabelle Rama at Pilita Corrales, na kahit parehong nagmahal, at minamahal pa rin, ng isang lalaki, si Eddie Gutierrez, malapit na magkaibigan pa rin.

Sa Instagram account ni Teresa ay makikita ang picture, video na magkakasama ang anak nila ni Sunshine, sina Diego Loyzaga, at sina Angelina, Samantha, Chesca.

“Look at our children @sunshinecruz718. We must’ve done something good after all! Cheers girlfriend!” sabi ni Teresa.

Na sinagot naman ni Sunshine na, “Yes! They are our greatest blessing Tong! I told

Angelina how lucky they are to have a sweet and loving Kuya like Diego. God bless you more Diegs and Tong. Sama na tayo next time Tong ha?”

“Lets set a date!” sey naman ni Teresa.

Ni-repost din ni Sunshine ang video na ‘yon ng mga anak nila ni Teresa.

“My girls are blessed to have such a loving kuya. Thank you @diegoloyzaga for always finding time to see your sisters. Sama na kami ni mom mo soon! Have fun! We love you Diegs! Thank you! @angelinaisabele @samantha_montano @chesca.montano@teresaloyzaga.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?