337

Apr 9, 2020 @ 15:22
By

Mga anak nina Pacman, Jinkee tinuruan maglaba

Kakaiba ang bonding ng pamilya Pacquiao ngayong anti-coronavirrus quarantine.

Tinuruan kasi nina Manny at Jinkee ang kanilang mga babaeng anak na sina Mary Divine Grace at Queen Elizabeth kung paano maglaba.

Masasaksihan aniya ng madla ang video ng pag-aaral ng bagets sa kanyang YouTube channel.

“Habang naka-quarantine, tinuruan namin ang mga girls kung paano maglaba!” sey ni Jinkee sa IG ngayong Huwebes.

“Happy ako sa mga anak ko dahil masunurin sila at gusto rin nilang matutunan ang paglalaba. Abangan nyo po sa youtube channel ko ang video. 🥰😄 #stayhome #staysafe #Godisgood,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?