210

Jul 13, 2020 @ 16:47
By

Mga anak ni Sunshine Cruz, minanyak sa socmed

Mismong mga schoolmate pa ng anak ni Sunshine Cruz ang nambabastos sa kanila sa social media.

Sa tweet ng isa sa dalagita ni Sunshine na si Sam, nireklamo nito ang tatlong lalaki na pinagpapantasyahan ang kanyang nanay at nakababata nitong kapatid.

Ayon kay Sam, dalawang taon na ang nakalilipas nang ma-post ang pangmamanyak sa kanyang ina at kapatid, ngunit hindi na niya ito kayang mapalagpas.

Sa screenshot na pinaskil ni Sam, kinilala ang tatlo na sina Thirdy Fajardo, Joshua de Jesus at Keno Damiles.

Samantala, nainis din si Sunshine sa tatlong lalaki at hinamon ang mga ito na makipagkita sa kanila at sabihin sa kanila ng personal ang mga pambabastos na pinost sa social media.

“Schoolmates ng mga anak ko pa pala itong tatlo. I hope you’ll have the courage to face us and say these things straight to our faces,” ayon kay Sunshine.

Pinalagan din ng dating aktres ang mga post sa mga Facebook page kung saan binabastos din siya at kanyang mga anak.

“Wala kaming sinasaktan at inaapakang tao. Hindi pagkain o bagay ang mga babae. Anong satisfaction ang nakukuha nyo sa pambabastos nyo sa amin? I may have done sexy movies in the past but it is never a valid reason to treat us this way,” giit pa ni Sunshine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?