172

By

Mga anak ni Jestoni may balak bang mag-showbiz?

Sharing is caring!

Kung tutuusin ay puwede nang mag-artista ang mga anak ni Jestoni Alarcon na sina Jessica, Angela at Anthony.

Namana ng mga bata ang good looks ng kanilang parents. Ang ina nila ay si Lizette na kasal kay Jestoni for 25 years.

Susuportahan naman daw ni Jes ang sinuman sa mga anak niya ang pumasok sa showbiz, pero wala raw sa kanila ang may hilig.

“Mas gusto nila ‘yung ‘di sila nakakaagaw ng atensyon. Hindi sa ayaw nilang malaman ng iba na anak sila ng artista, ‘yung privacy kasi mahalaga sa mga anak namin.’

“Kaya as much as possible, low-key lang sila. ‘Yung simpleng buhay lang ang gusto nila,” diin ni Jes.

May kanya-kanyang mga achievement na raw ang mga anak ni Jes kaya sobrang proud siya sa mga ito na mas pinili ang pagbutihin ang kanilang pag-aaral at magkaroon ng sarili nilang career na malayo sa showbiz.

“Lumaki silang normal at marunong sa buhay. Hindi sila spoiled. Kaya kung ano ang gusto pa nilang gawin, support kami all the way,” pagtapos ni Jestoni na nakasama sa teleserye na My Special Tatay. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?