425

By

Mga anak ng dating PBA stars, todo-pasikat sa MPBL

Sharing is caring!

Patuloy ang pag-angat ng ilang anak ng mga dating PBA stars sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup pagdating sa kanilang individual statistics.

Si Ray Parks, Jr. ng Mandaluyong El Tigre, anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks, ay pumoposte ng 21.3 points per game at siya ngayon ang nangunguna pagdating sa scoring matapos nitong patalsikin sa puwesto si Michael Juico ng Pampanga Lanterns na may 21.1 ppg.

Bukod sa pagiging scoring machine, pinatunayan din ni Parks na kaya niya ring makipagsabayan sa assist dahil pang-apat siya hawak ang seven assist per game habang pangwalo siya sa steals na may 1.9.

Kabilang sa scoring leaders ng liga ay sina Reed Juntilla ng Zamboanga Valientes na may 19.5 ppg, Patrick Cabahug ng Cebu Sharks na may 18.9 ppg at si Gab Banal ng Bacoor Strikers na may 18.5 ppg.

Si Paolo Hubalde naman ng Valenzuela Classic ay ang isa pinakamagaling na playmaker ng liga at napatunayan niya ito ng pangunahan nito ang assist department.

Si Hubalde, anak ni dating PBA MVP at 40 Greatest member Freddie Hubalde, ay tumatapos ng 8.5 assist per game at siya rin ang pangalawa pagdating sa steals na may 2.8 steals per game.

Nanguna naman sa rebounding department si Felix Apreku ng Muntinlupa Cagers na sumisikwat ng 13.4 rebounds per game at pagdating naman sa block ay Jeff Morillo ang nasa unang pwesto na may 3.4 block per game.

Pumangalawa naman sa rebounding si Mark Montuano ng Bacoor Strikers na may 11.6 rpg habang si Bernzon Franco naman ng Pasig Pirates ang nasa ikatlong pwesto naman may 11.3 rpg.

Kasama rin sa listahan ng mga best rebounders ng liga sina JR Taganas ng Bulacan Kuyas na may 10.9 rpg at si Harold Arboleda ng Paranaque Patriots na may 10.1 rpg at siya rin may pinakamaraming double-double finish sa liga na may 10.

Nakasikwat din na pwesto sa assist department sina Mikee Reyes ng Bacoor Strikers na may 7.1 apg at si Jerick Canada na may 6.5 apg at si Chris Magsalang ng Gen San Warriors at nanguna sa steals na may 3.5 spg.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?