24

Feb 18, 2021 @ 15:20
By

Mga alkalde sa NCR pabor sa MGCQ sa Marso

Pabor ang mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila na isailalim ang National Capital Region (NCR) sa modified general community quarantine (MGCQ) sa Marso ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco.

“Ang total ng GCQ is eight, ang total ng MGCQ is nine,” ani Tiangco sa panayam ng DZBB kanina.

Aniya, tanging mga 15 hanggang 65-anyos indibidwal lamang ang sakop ng nasabing dalawang quarantine guidline.

Anang alkalde, nangyari ang botohan matapos madinig ng mga alkalde ang pagpapaliwanag ng mga economic manager hinggil sa kahalagahan ng pagpapatupad ng MGCQ sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa kabila ng pandemya.

“After the explanation and the questions of the mayors kagabi, doon na nagbotohan,” sambit niya.

Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong ang mga opisyal mula Department of Trade and Industry at National Economic and Development Authority (NEDA).

Una nang sinabi ni Acting Socioeconomic Planning Secretary at NEDA chief Karl Kendrick Chua na makatutulog ang pagpapatupad ng MGCQ sa pagpapaliit ng hunger rate sa mga lugar na may mahigpit na lockdown.

Lunes nang inilakad ng NEDA ang pagpapatupad ng MQCG simula Marso 1 para tuluyan na umanong makabawi ang mga mamamayan sa COVID-19 pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?