57

By

Mga alipores ni Legarda doble-kayod sa panggagapang para sa solar franchise ng anak

Sharing is caring!

Doble-kayod umano ang mga emisaryo ni Senate Finance Committee chair Loren Legarda sa pangangalap ng suporta sa Kamara para maipasa ang prangkisa ng solar company na pagmamay-ari ng kanyang anak.

Ayon sa ilang sumbong na natanggap ng Abante, abala umano sa panggagapang ang mga bata ni Legarda sa mga kongresista, upang maisabatas ang House Bill 8179 na magbibigay ng prangkisa at pahintulot sa Solar Para Sa Bayan Corporation (SPBC) na makapag-operate sa ilalim Renewable Energy Act.

Ang SPBC ay pagmamay-ari ng anak ni Legarda na si Leandro Leviste.

Giit ng isang mambabatas na tiga-Mindanao subalit ayaw lumantad sa publiko, ilan sa mga sugo ni Legarda ay regular umanong nangungulit sa kanya upang suportahan ang panukalang prangkisa para sa SBPC pagsalang nito sa plenaryo, makaraang ito’y lumusot sa House committee on legislative franchises noong isang linggo.

Paliwanag ng mambabatas na nag-oopisina sa Ramon V. Mitra Building sa loob ng Batasan Complex, ayaw umanong magpakilala ng mga alipores ng senadora habang kausap niya ito sa telepono subalit handa daw sila umano makipag-kita sa kongresista ng personal kung siya’y mangangakong susuportahan ang pagpapasa ng prangkisa para sa kompanya ni Leviste.

Dadag pa ng kongresista, may ilang grupo din na tumatawag sa kanya at nagpapakilalang mga ‘advocates’ umano ng renewable energy subalit ayaw nilang magpakilala habang kausap siya sa cellphone, bagkus, gusto nilang personal na makipag ‘one-on-one’ sa mambabatas.

Samantala, dalawang mambatas mula sa Luzon na ayaw din munang lumantad ang nakaranas din ng parehas na karanasan kagaya ng Kongresista mula sa Mindanao.

Ayon kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, niratsada umano ng liderato ng House committee on legislative franchises noong isang ang pag-abrupa ng prangkisa ng SBPC kahit pa dalawang beses lang itong dinidinig ng mga miyembro ng nasabing komite.

Giit ni Atienza, marami umanong kwestyonableng bagay na dapat sagutin si Leviste at ang kanyang kumpanya lalo na’t sa buong bansa balak umano mag-operate ng SBPC.

Babala ng dating alkalde ng Maynila, maaaring mauwi na naman sa isang monopolyo kung hindi bubusisin ng husto ang kumpanya ng anak ni Legarda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?