111

Jan 19, 2021 @ 21:14
By

Mga alagang hippopotamus ng drug lord pinakakatay

Inirekomendang patayin na lamang ang mga hippopotamus na dinala sa Colombia bilang parte ng private zoo ng kilalang drug lord na si Pablo Escobar.

Ayon sa CNN report, batay sa bagong pag-aaral ng mga mananaliksik mula sa Mexican at Colombian universities, masyado nang dumami ang hippopotamus sa Hacienda Napoles ni Escobar at may seryosong pag-aalala na sa kanilang epekto sa kapaligiran at kaligtasan ng tao.

Kumalat na ang mga hippopotamus mula sa orihinal nilang tahanan, may 100 milya silangan ng siyudad ng Medellin, sa paligid ng Magdalena River basin habang patuloy na lumalaki ang kanilang populasyon.

Kaya ang mga may-akda ng pag-aaral, na inilathala sa January edition ng journal na Biological Conservation, ay inirekomendang patayin na lamang ang mga hippopotamus upang maiwasan ang pangmatagalang negatibong epekto nito.

Ilang eksperto naman ang nanawagang magpatupad na lang ng “castration program” upang makontrol ang populasyon ng mga hippo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?