10
views

By

Mga alagad ni Pido Jarencio, tatakbuhan ang Rain or Shine

Sharing is caring!

Gumana ang isang aspeto ng laro ng GlobalPort kung saan sila magaling – takbuhan – at napuwersa ng Batang Pier sa knockout match ang top seed Rain or Shine.

Sa Smart Araneta Coliseum noong Martes, itinakas ng GlobalPort ang manipis na 114-113 panalo para ihulma ang do-or-die match bukas (Hulyo 12) sa MOA Arena.

Naiwan ng hanggang 89-73 sa third quarter ang Batang Pier pero nakabalik nang mag-click ang kanilang run-and-gun.

Nakakuha ng 11 fast break points sa third ang Batang Pier, 21 sa kabuuan.

“‘Yun ang strength namin, takbuhan talaga,” ani Batang Pier coach Pido Jarencio. “Once we go half court, walang nangyayari sa amin. We cannot execute well.”

Noong 2013 Commissioner’s Cup, nalusaw ang twice-to-beat edge ng noo’y No. 2 Rain or Shine laban sa No. 7 Ginebra.

Pagkatapos ng 11-game eliminations ay number 1 ang Elasto Painters, twice-to-beat laban sa No. 8 GlobalPort. Ngayon ay tabla na sila, ang matalo uuwi. “On Thursday it’s going to be even 1-1, labanan tayo diyan. Do-or-die game,” giit ni Jarencio.

Ibinaon ni Jonathan Grey ang pang-agaw lead na 3-pointer sa sulok, nagkaroon ng 11 seconds para bumawi ang Rain or Shine pero sablay sina Gabe Norwood at Maverick Ahanmisi na bago ‘yun ay mintis din sa tatlong free throws.

Nagsumite ng 28 points, 16 rebounds, 3 assists at 2 blocks si Malcolm White para sa Batang Pier pero hindi pa raw ganun kaganda yung nilaro niya.

“‘Yung Malcolm White, hindi pa nga ganun kaganda ‘yung nilaro,” puna ni Jarencio. “Pero ‘yung presence niya andun, ‘yung rebounding at ‘yung blocked shots.”

Tumapos si Grey ng 22 points, may 21 points at tig-9 rebounds at assists si Stanley Pringle.

Kinapos ang 24 points, 15 boards at 7 feeds ni Reggie Johnson sa Rain or Shine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?