2,859

Jan 16, 2021 @ 20:55
By

Mga akusado sa Dacera case ‘negatibo’ sa drug test

Negatibo umano sa paggamit ng iligal na droga ang limang sinasabing sangkot sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Sa binuong Facebook page na “Fund the Truth” ng mga kaibigan ng mga akusado, ipinakita ang negatibong resulta ng ginawang drug test nitong Enero sa limang akusadong sina Valentine Rosales, JP dela Serna, Gregorio De Guzman, Clark Rapinan at Romel Galido.

“Ito po ang drug test ng aming mga kaibigan, na nagpapatunay na NEGATIVE po ang kanilang result. Wala pong nagdala o gumamit ng droga sa kanila, malinaw po ang test,” sabi sa post.

Iyon ay matapos nilang bawiin ang naunang pahayag na mayroon umanong sangkot na powder drug sa kanilang New Year’s Eve celebration noong Disyembre 31, 2020.

Sinabi nilang na-pressure umano sila ng pulisya na sabihin ang naturang pahayag noong nakadetine pa ang dalawa sa kanila.

Ito po ang drug test ng aming mga kaibigan, na nagpapatunay na NEGATIVE po ang kanilang result.

Wala pong nagdala o gumamit ng droga sa kanila, malinaw po ang test.

#FundTheTruth

Posted by Fund the Truth on Friday, January 15, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?