By

Mga aksidente bumaba dahil sa motorcycle lane – MMDA

Sharing is caring!

Ibinahagi ng Metropolitan Manila Development Authority na halos 80 porsiyento ang ibinaba ng aksidente na kinasasangkutan ng mga motorsiklo sa EDSA bunga nang mahigpit na pagpapatupad ng Motorcycle Lane Rule.

Sinabi ni Celine Pialago, MMDA spokesperson, kamakalawa sa unang araw nang mahigpit na pagpapatupad ng motorcycle lane, nakapagtala lang sila ng pitong motorcycle accidents.

Aniya, lubha itong mababa sa dating naitatala nilang 55 araw-araw.

Ngunit, aminado si Pialago na bumigat naman ang daloy ng mga pribadong sasakyan dahil sa pagbabantay nila sa yellow at blue lanes.

Banggit ni Pialago, 300,000 private vehicles ang bumababaybay sa EDSA araw-araw at ang mga ito ay nalimitahan lang sa tatlong linya.

Sinabi pa ng opisyal, layon din ng kanilang hakbang na mapabilis ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan sa loob ng yellow lane para mahikayat ang mga motorista na sumakay na lang ng bus sa halip na magdala ng kanilang sariling sasakyan. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?