46

May 24, 2020 @ 12:44
By

Mga ahente ng lotto, Keno makakatanggap ng ayuda sa PCSO

Nakatakdang makatanggap ng ayuda sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga ahente ng lotto at Keno sa boung bansa matapos na hindi na sila makapag-operate dahil sa suspensyon ng mga laro ng PCSO dahil sa pandemic na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, naiintindihan ng ahensya na kinakailangan ding bigyan ng pinansyal na tulong ang aabot sa 6,241 lotto at Keno agents na tigil operasyon mula pa nitong Marso dulot ng COVID-19 kaya maglalabas sila ng halagang P18.7 milyon para ibigay ayuda sa mga ito.

“That’s why, as our partners in raising revenues, we also have to look after their welfare during this global pandemic,” pahayag ni Garma sa inilabas nitong statement.

Ipinag-utos na rin ni Garma sa lahat ng branch managers at iba pang concerned officials ang agarang pagpapalabas ng nasabing financial assistance para sa mga ahente ng lotto at Keno matapos aprubahan ito sa pamamagitan ng PCSO Board Resolution 109 s. 202 na inayunan na rin ng Office of the President.

“The assistance aims to augment and subsidize the needs of these agents and to lessen the burden of stress and anxiety during this difficult time of public quarantine,” dagdag ni Garma.

Samantala, panibagong P33,811.163 milyon naman ang inilabas ng PCSO para sa medical assistance ng mahigit 4,328 eligible indigent beneficiaries ngayong ikaapat na linggo ng Mayo.

Ayon kay Garma, patuloy ang ahensya sa pagbibigay ayuda sa pamamagitan ng medical assistance sa mga kapuspalad nating kababayan na nangangailangan.

“Rest assured that the agency will find ways to meet the medical and health-related needs of all Filipinos, especially the marginalized,” pagtatapos ni Garma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?