154

Oct 25, 2019 @ 11:06
By

Mga ahensiya ng gobyerno pinatulong vs. ASF

Kinalampag ng Malacañang ang lahat ng mga departamento sa Ehekutibo na tumulong at magpatupad ng mga polisiya para makontrol ang pagkalat ng African swine fever (ASF) sa buong bansa.

Sa harap na rin ito ng panibagong natuklasan na nakalusot ang mga karne ng baboy na may ASF at ginawang tocino at longganisa kahit mahigpit ang utos ng Department of Agriculture (DA) na katayin ang mga maysakit na baboy.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kabilang sa direktiba ang mga government -owned and controlled corporation, bureaus at agencies para masiguradong makontrol ang pagkalat ng ASF.

“The Office of the President, through the Executive Secretary is hereby directing all executive departments, bureaus, agencies, government -owned and controlled corporations, government financial institutions and other instrumentalities of the government to coordinate , as well as to adopt policies and institute measures to manage, contain and control the transmission of African Swine Flu (sic) in the country,” ani Panelo.

Inatasan rin ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang DA na magbigay ng tulong at alternatibong livelihood at skills training sa mga naapektuhan ng ASF.

Hinikayat din ng Palasyo ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad para epektibong hadlangan ang mas lalo pang pagkalat ng nabanggit na sakit sa mga baboy.

“The Office of the President implores the public to extend their utmost cooperation to government authorities in order to prevent the spread of ASF,” dagdag ng tagapagsalita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?