24

Nov 30, 2020 @ 22:30
By

Mga adik desperado na, bumalik sa marijuana – Año

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na tila bumabalik sa paggamit ng marijuana ang mga drug addict sa bansa.

Ani Año sa pre-recorded speech ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi, kanilang napansin na dahil sa kahirapang makakuha ng shabu ay bumabalik sa paggamit ng marijuana ang mga drug user.

“Dahil sa kahirapang makakuha ng shabu, mukhang unti-unting bumabalik naman sa paggamit ng marijuana ang ating mga drug addict,” ani Año.

Magugunitang sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas na iniimbestigahan na ng pambansang pulisya ang pagdagsa ng marijuana sa National Capital Region at mga katabing probinsya matapos nilang makasabat ng may P24 milyong halaga ng pinatuyong marijuana sa Quezon City noong Linggo.

“We are assessing kung ito ba, ‘yung drugs o marijuana will be used as an alternative for shabu. We are assessing bakit ganito karami at tumaas ang demand ng marijuana sa NCR (National Capital Region) at nearby provinces,” pahayag ni Sinas sa isang press briefing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?