84
abante-tnt-vismin-lebron
By

Mga abubot ni LeBron James sa Cleveland ibinasura

Sharing is caring!

Kasabay ng pag-alis ni LeBron James sa Cleveland ay siya ring pagtanggal ng banners at billboards ng iconic basketball player.

Bago rin makumpirma ang four-year $154 million contract sa Los Angeles Lakers ay inanunsyo na ng City of Cleveland na ibabasura na ang daan-daang LeBron James banner.

Kabilang sa tatanggalin ay ang 10-story billboard ni King James sa Sherwin-Williams global headquarters.

Ayon naman sa spokesman ng isang paint company, ibababa na rin ang Nike banner ni LeBron ngayong linggo.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na wawalisin ang bawat imahe ni James sa Cleveland.

Taong 2010 ay ibinasura rin ang mga banner ni James nang lumipat ito ng Miami Heat upang makasama sina Dwayne Wade at Chris Bosh.

Sinisimulan na ring ligpitin ang mga natitirang James jersey sa Cavs store sa Quicken Loans Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?