159

Feb 24, 2020 @ 13:24
By

Mga ABS-CBN artist may mga benepisyo – Vidanes

Hindi totoo ang alegasyon na ang mga Kapamilya artist ay walang natatanggap na government benefits, ayon kay ABS-CBN executive Cory Vidanes.

Tinanong kasi ito ni noo’y ‘Ang Probinsyano’ actor at Senador Lito Lapid sa pagdinig ng Senado ukol sa prangkisa at mga isyung pinupukol sa kumpanya.

Tanong ni Lapid: “‘Yun po ang mga katanungan ng iba: na wala silang overtime, hindi sila binabayaran, lalung-lalo na po may nagsalita na sa 11,000 nagtatrabaho sa inyo, wala daw po silang SSS, PAG-IBIG. Totoo ba ito?”

“Pinuno, hindi po totoo ‘yon. Lahat po sila, may mga benefisyo po above the mandated benefits of the government,” tugon ni Vidanes ngayong Lunes, Pebrero 24, 2020.

Giniit din ng ABS-CBN Broadcast COO na ang bayad sa kanilang mga artista ay sa taping per day at output-based.

Nagpapatuloy pa ang pagdinig sa Senado as of press time.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?