46

By

Mga abogado, walang silbi kung wala si Sereno — Alvarez

Sharing is caring!

Pagbabawalang dumalo sa pagdinig ng House Justice Committee ang mga abogado ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung hindi kasama ng mga ito ang punong mahistrado.

Katuwiran ni Speaker Pantaleon Alvarez, walang “business” ang mga abogado ni Sereno sa hearing ng komite sa Miyerkules dahil hindi ang mga ito ang kailangang humarap kundi mismong ang ipinai-impeach na Chief Justice.

Kung wala din lamang aniya ang kliyente ng mga ito na si Sereno ay wala ring silbi na magpakita sa pagdinig ang mga abogado.

“What will they do there? As kibitzers? Or will they want only to be interviewed by media?” tanong ni Alvarez.

Hinamon ng Speaker ang mga abogado na bitbitin si Sereno sa hearing sa Miyerkules para ito ang mag-cross examine sa mga testigo.

Kung lalabas aniyang hindi marunong mag-cross examine si Sereno ay saka lamang papayagan ang mga abogado na gawin ang kanilang trabaho para sa kliyente. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?