14

Jun 16, 2020 @ 17:03
By

Mga abogado sa ECQ areas, puwedeng lumabas – Roque

Pinapayagang makaalis ang mga abogado na nasa mga enhanced community quarantine (ECQ) area para sa kanilang kliyente.

“Sa mga abogado po diyan sa Talisay at Cebu, bagama’t stay at home po ang lahat, puwede po ninyo puntahan ang mga kliyente na may problema po sa alagad ng batas,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Lunes ng gabi muling sinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ECQ ang Cebu City habang ang Talisay City ay inilagay sa modified ECQ hanggang June 30.

Batay sa Omnibus Guidelines of the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease, pinapayagan lang na makalabas sa mga ECQ area ang mga manggagawang nagtatrabaho sa mga essential establishment gaya ng mga ospital at supermarket

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?