225

Aug 4, 2020 @ 20:14
By

Mga 90’s star may despedida party para kay Donita Rose

Nagtipon-tipon ang mga bigating artista noong dekada ’90 para ipagdiwang at magpaalam sa kanilang kaibigan na si Donita Rose.

Sa Instagram post nina Sunshine Cruz, Jackie Forster, Ruffa Gutierrez, Vina Morales kasama si Karla Estrada, makikita ang kasiyahan ng magkakaibigan sa karaoke session, swimming at inuman para sa padespedidad ni Donita.

Aalis na kasi patungong Amerika si Donita para magsimula ng panibagong buhay, kaya’t hindi napigilan ang magkakaibigan na magsama-sama para sa huling pagkakataon bago lumipad patungong ibang bansa ang kanilang kaibigan.

Sey naman sa IG post ni Vina, dumaan naman sila sa COVID-19 testing bago isagawa ang party at lahat sila ay negative sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?