25
supreme-court-sc-001

Mga 2019 bar exam taker, kasado na

Naisapinal na ng Korte Suprema ang listahan ng mga pasok ng 2019 Bar Exam ngayong Nobyembre.

Sa pagsala ng mga aplikante sa taunang bar exam, sinabi ni SC PIO Chief, atty Brian Hosaka, umabot ng 8,245 ang nabigyan ng bar permit.

Ang bilang ng mga examinees ngayon ay isa sa pinakamataas na bilang na nasa higit walong libo, pero bahagyang mas mababa sa record breaking na 8,701 examinees noong nakaraang taon.

Isasagawa ang bar exams sa UST sa apat na linggo ng Nobyembre o sa November 3, 10, 17 at 24.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?